^

Police Metro

Maynila, 8th place sa may malinis na hangin sa Southeast Asia

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasunod ng pagkakapuwesto sa ika-8 antas ang Maynila sa mga lungsod na nagtataglay ng malinis na hangin sa Southeast Asia ay tiniyak ni Manila Mayor Joseph Estrada na mas pagiibayuhin pa nila ang paglilinis at pagsasaayos ng lungsod.

 

Anya, ang pagkakaroon ng malinis na hangin ay  bahagi ng  kampanya ng lungsod upang mabigyan ng  maayos at malinis na kapaligiran ang  Manilenyo.

 

 Batay sa Switzerland-based IQ AirVisual at Greenpeace’s 2018 Air Quality Report, ang particulate matter  o mas kilala sa PM2.5 (µg/m³) ang sumukat sa mga lungsod ng 73 mga  bansa kung saan lumitaw na nasa rank 8th ang Maynila na may 14.3 µg/m³ na may malinis na hangin

Ang PM2.5 ay tumutugon sa particulate matter (ambient airborne particles) na sumusukat ng hanggang 2.5 microns  kung saan maaaring maapektuhan ang  kalusugan ng mga Pilipino.

Idinagdag pa ni Estrada na todo ang kanilang  suporta sa programa ng DENR sa paglilinis ng Manila Bay upang tuluyan nang malinis ang  iba’t ibang daluyan ng tubig sa bansa.

vuukle comment

AIR QUALITY REPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with