^

Police Metro

4 karnaper patay sa shootout

Joy Cantos, Lordeth Bonilla - Pang-masa
4 karnaper patay sa shootout

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang apat na lalaki na umano ay mga karnaper matapos makipagbarilan sa pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police, Highway Patrol Group (PNP, HPG), Southern Police District (SPD) at Muntinlupa City Police kahapon ng umaga  sa Muntinlupa City.

 

Walang nakuha na anumang pagkakakilanlan sa apat na suspek na pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-5:25 ng umaga sa Don P. Reyes Avenue, Biazon Road, Southville 3, Brgy.  Poblacion, Muntinlupa City ay naka-flash alarm sa mga tauhan ng HPG ang isang kulay itim na Hyundai Accent,  na may conduction sticker MP 0669,   na kinarnap  umano ng hindi pa nakikilang mga suspek.

Kaagad nagkasa ng anti-criminality operation ang HPG, katuwang ang  SPD at Muntinlupa City  Police hanggang sa namataan ang naturang sasakyan sa kahabaan ng  Don P. Reyes Avenue at pinara.

Sa halip na huminto ay bumaba ang tatlong sakay at pinaputukan ang mga pulis na masuwer­teng walang tinamaan.

Gumanti ng putok ang mga otoridad at dito ay na­pa­tay ang apat na suspek.

Nang beripikahin ng mga pulis sa Land Transportation Office (LTO)ang conduction  sticker ng nasabing sasakyan, nakarehistro ito sa  Hyundai Eon.

Narekober sa crime scene ang isang umanoy bulto ng shabu, isang shot­gun, isang pares ng unipormeng pang sundalo at PNP uniform at tatlong ID na nasa iba’t ibang pangalan.

vuukle comment

HIGHWAY PATROL GROUP

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHOOTOUT

SOUTHERN POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with