^

Police Metro

Go, pasok sa Top 3-SWS

Malou Escudero - Pang-masa
Go, pasok sa Top 3-SWS
Ayon sa SWS, nagpapakita ito nang patuloy na improvement sa lagay ni Go sa eleksyon, na dati ay nasa 5th hanggang 6th place lamang sa ranking na 41 percent, batay sa survey na isinagawa nila mula Enero 23 hanggang 26, at mula 15th hanggang 16th ranking lamang noong Disyembre 2018.
Karl Norman Alonz

MANILA, Philippines — Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) ay pasok sa top 3 si dating Special Assistant to the President (SAP) at administration bet Christopher Lawrence “Bong” Go para sa midterm senatorial race.

Sa naturang SWS survey na isinagawa mula Pebrero 25-28, 2019, nakakuha si Go ng 47% na approval rating mula sa respondents at solong nakopo ang ikatlong puwesto.

Ayon sa SWS, nagpapakita ito nang patuloy na improvement sa lagay ni Go sa eleksyon, na dati ay nasa 5th hanggang 6th place lamang sa ranking na 41 percent, batay sa survey na isinagawa nila mula Enero 23 hanggang 26, at mula 15th hanggang 16th ranking lamang noong Disyembre 2018.

Ikinagalak naman ni Go ang patuloy na pagtaas ng kanyang puwesto sa survey results at nagpapasalamat sa mga taong nagtitiwala sa kanyang kakayahan at sinseridad sa pagsisilbi sa bansa.

Nangunguna pa rin si Senator Grace Poe, na nakakuha ng 68%, sumunod si Senator Cynthia Villar, na nakakuha ng 61% at Go, 47%. Ikaapat si Rep. Pia Cayetano, sinundan ni dating senator Lito Lapid, ikaanim si Senator Sonny Angara, 40 porsiyento, pang pito si Senator Nancy Binay, 37 porsiyento. Pasok din sa Magic 12 dating Sen. Jinggoy Estrada at Mar Roxas.

Nasa pang 10-12 na puwesto naman sina Sen. Bam Aquino, Ramon Revilla Jr., at dating PNP chief Ronald “Bato” Dela Rosa.

vuukle comment

CHRISTOPHER LAWRENCE GO

SOCIAL WEATHER STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with