^

Police Metro

Duterte: ‘Otso Diretso’ papuntang impyerno

Rudy Andal - Pang-masa
Duterte: �Otso Diretso� papuntang impyerno
Inisa-isang inatake ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kandidato ng Otso Diretso kabilang sa pagkuwestiyon ng track record ni Mar Roxas na nakalaban nito noong 2016 presidential election na maraming pinamunuan sa gobyerno.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — “Otso diretso papuntang impyerno.Walang ginawa, puro criticize”.

Ito ang banat ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte noong Linggo ng gabi sa isang campaign rally sa Zamboanga City laban sa mga kandidatong senador ng oposisyon.

Inisa-isang inatake ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kandidato ng Otso Diretso kabilang sa pagkuwestiyon ng track record ni Mar Roxas na nakalaban nito noong 2016 presidential election na maraming pinamunuan sa gobyerno.

“Mar Roxas.Susmaryosep.Hambugero man ito. Pagpasok niya doon sa Cebu, sabi niya “Oh Mar Roxas.” Ganun kaagad siya. Kita niya si Justice Zubiri. “Hi Justice Zubiri, good morning. Sabi ko mayabang – mga justice lang ang kilala niya,” giit pa ng chief executive.

Ano mang nagawa ni Mar? Kayo tanungin ko kayo. Kayong nag-Liberal, magtanong lang ako sa’yo, anong nagawa niya? Ano ang nagawa niya naiwan niya sa bayan? Secretary of Trade, kay Aquino — ah kay Macapagal. Tapos lukso siya sa … Pagkatapos eleksyon, lukso siya doon kay Aquino, Secretary of Finance.

Aniya, baka hindi nga nito matalo si former Special Assistant to the President Bong Go sa senatorial race.

“Erin Tañada? And proud sila riyan sa Left. They think that it’s popular. Tingnan mo ang kakapal ng mukha. Gagawa pa ng ticket Otso Diretso. Macalintal abugado. Abugado ka lang kung may pera ka. Papasok diyan wala kang pera,” wika pa ng Pangulo.

Aniya si Sen. Bam Aquino ay kamukha lang ng kanyang tiyuhin pero walang impressive na nagawa naman ito para sa bayan.

Nagbabala rin ang Pangulo sa mga botante na huwag na huwag magkamali na iboto si Magdalo Rep. Gary Alejano.

“Alejano, walang sense talaga magsalita. Marunong mag-English kasi PMAer eh. Lelechonin talaga ‘yan sila doon. Kaya huwag kayong magkamali ‘yang Magdalo na ‘yan. Tingnan mo Magdalo nag-revolt diyan sa Makati, sigaw-sigaw pa si Trillanes, pagdating ng pulis, nag-surrender,” dagdag pa ng Pangulo.

Hindi rin pinaligtas ni Dutertte si Chel Diokno na walang ginawa kundi atakihin siya sa human rights isyu.

“Lalo na ito si Diokno, ‘yung Diokno ‘yung… Sus magsalita. Kalayo niya sa tatay niya. ‘Yung si W. Diokno. Tignan mo magsalita. Wala. Walang ka ano,” giit pa ni Duterte.

Sinabi pa ni Pa­ngulong Duterte kung qualification lamang ang pag-uusapan ay walang tatalo kay former Political adviser Francis Tolentino kung ikukumpara lamang ito kay former solicitor general Florin Hilbay.

vuukle comment

OTSO DIRETSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with