^

Police Metro

DepEd nais bigyan ng insurance ang 27-M estudyante

Mer Layson - Pang-masa
DepEd nais bigyan ng insurance ang 27-M estudyante
Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, dahil sa sinapit ng mga estudyante ng Basay National High School, na kinabibilangan ng isang Grade 7 student at apat na Grade 11 students, ay bumuo sila ng mga plano upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga kabataang mag-aaral.
DEPED FB Page

MANILA, Philippines — Kasunod na nang pagkamatay ng limang estudyante sa isang vehi­cular accident sa Negros Oriental noong Marso 1, ay nais ng Department of Education (DepEd) na bigyan ng year-round insurance ang nasa 27 milyong estudyante sa bansa.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, dahil sa sinapit ng mga estudyante ng Basay National High School, na kinabibilangan ng isang Grade 7 student at apat na Grade 11 students, ay bumuo sila ng mga plano upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga kabataang mag-aaral.

Una sa plano ay ma­bigyan ng year-round insurance ang mga mag-aaral, lalo na kung lalabas sila ng kanilang mga paaralan, upang lumaban sa mga kumpetisyon at iba pang aktibidad na may kinalaman sa kanilang pag-aaral.

Kaya’t umapela si Briones sa mga regulatory agency na magsagawa ng mas maingat na plano at monitoring sa mga behikulo partikular na sa mga public utility vehicles (PUV) na kagaya nang sinakyan ng mga naturang estudyante na nasawi sa aksidente.

Tiniyak ni Briones na ang lahat ng kanilang plano ay kanilang ihahayag sa Kongreso sa susunod na budget proposal dahil ang probisyon para sa financial assistance sa mga ganitong uri ng kaganapan ay hindi kasama sa budget ng DepEd.

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

INSURANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with