^

Police Metro

DepEd, pinaalalahanan ang magulang sa ‘Momo Challenge’

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — May paalala ang Department of Education (DepEd) sa mga magulang at mga guardian upang matiyak na ligtas ang kanilang mga anak laban sa kontrobersiyal na ‘Momo Challenge’ sa internet.

 

Ang Momo challenge ay nagtatampok sa nakakatakot na larawan ng isang babae na base sa isang sculpture sa isang museum sa Japan ay nagsimula sa isang messaging app.

Sa pamamagitan ng chat ay uutusan umano ang mga biktima, na kadalasan ay mga bata, na saktan ang sarili.

Kumalat na rin ma­ging sa Youtube at sa iba pang social media plat­forms ang naturang Momo challenge at sinasabing naging dahilan na nang pagkamatay ng isang 11- anyos na batang lalaki kamakailan.

Ayon naman sa DepEd, ‘open communication’ pa rin sa pagitan ng magulang at mga anak ang pinakamabisang pa­raan upang labanan ang anumang panganib.

Paliwanag ng DepEd, dapat na panatilihin ng mga magulang at mga guardian ang bukas na pakikipagtalastasan sa ka­nilang mga anak upang matiyak na nababantayan ang mga ito laban sa anumang panganib na dulot ng internet, gaya ng Momo Challenge.

Iginiit ng DepEd na sa pamamagitan ng komunikasyon ay malalaman ng mga magulang ang mga ginagawa ng anak at magkakaroon ang mga bata ng lakas ng loob na magsabi ng kanilang saloobin sa mga magulang.

vuukle comment

MOMO CHALLENGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with