^

Police Metro

Nakararaming Pinoy takot mabiktima ng EJKs

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS), lumabas na majority ng Pinoy ang natatakot na ma­ging biktima ng extrajudicial killings o EJKs.

 

Ang survey ay isinagawa noong Disyembre 16 hanggang 19, 2018 kung saan 1,440 respondents ang tinanong ng: “Gaano po kayo nangangamba na kayo o sino mang kilala ninyo ay maging biktima ng ‘Extrajudicial Killing o EJK.”

Lumabas na 78 porsiyento ang umamin na sila ay nag aalala o ang kanilang kakilala ay mapatay ng dahil sa EJK.

Ang nasabing bilang ay mas mataas ng limang puntos na 73 porsiyento sa survey na isinagawa noong Hunyo 2017.

Ayon pa sa SWS, 50 porsiyento ng mga respondents ay nagsabi na ang mga mahihirap lamang ang nagiging biktima ng EJKs, samantalang 3 porsiyento lamang ang nagsabi na nabibiktima ang mga mayayaman.

Apatnapu’t walong porsiyento (48%) ang nagsabi na hindi nami­mili ng class (mayaman o mahirap) para maging biktima ng EJKs.

Lumabas din sa survey na 12% ang may personal na kakilala na nabiktima ng EJK na mas bababa ng 3 points sa 15% na resulta noong Hunyo 2017.

Nasa 71% naman ng mga Filipino ay nananiwala na seryoso ang gobyerno na resolbahin ang problem ang EJK. Mas mataas ito ng 5 puntos sa 55% noong Hunyo 2017, 11 porsi­yento naman ang naniniwalang hindi seryoso ang gobyerno at 17 porsiyento ang undecided.

vuukle comment

EXTRAJUDICIAL KILLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with