^

Police Metro

Lolo tepok sa salpok ng motor

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang 76-anyos na lolo matapos salpukin ng isang humagibis na motorsiklo habang tumatawid sa kahabaan ng Maharlika National highway ng Brgy. Anislag sa bayan ng Daraga, Albay kamakalawa ng umaga.

 

Ang nasawing biktima ay si Elegario Lorica, residente ng Brgy. Maopi, habang dinala sa pagamutan ang sugatan na nakabanggang rider na si Larry Londonio, 55-anyos at angkas na si Glaiza Mandane, 17-anyos, pawang residente rin ng naturang barangay.

Sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga, papatawid ang biktima sa kalsada nang mabangga ng motorsiklo ( E-64434 ) na minamaneho ni Londonio.

Sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon ang biktima ng ilang metro sa kalsada pati na rin ang rider at angkas nito.

Agad namang sinaklolohan ng mga residente at opisyal ng barangay ang mga sugatan at isinugod sa ospital kung saan namatay habang ginagamot ang biktimang matanda.

vuukle comment

MOTORCYCLE ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with