^

Police Metro

4 bata nalunod sa fishpond sa Bulacan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang apat na bata matapos na sila ay malunod sa fishpond habang naliligo kamakalawa ng hapon sa Brgy.Palapala, San Ildefonso, Bulacan.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Mika Rivera, 12; Marjoy Yola,11; Mark Rivera, 10 at Brix Jonathan, 8.

Bago nangyari ang insidente dakong ala-1:00 ng hapon sa Sitio Sulukan, Brgy. Pala-pala, San Ildefonso, Bulacan ay nagkatuwang maligo sa fishpond na pag-aari ng negosyanteng si Arvin Villacorta ang limang bata at napagawi umano sa malalim na bahagi ng fishpond ang isa sa kanila.

Tinangkang sagipin ng apat na kasama, su­balit apat sa mga ito ang nalunod habang ang isang nakaligtas ang siyang nagreport ng insidente sa mga nakatatanda sa lugar.

Ang katawan ng mga bata ay narekober ng search and rescue team matapos na magkakasunod na lumutang ang katawan sa fishpond sa lugar.

vuukle comment

NALUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with