^

Police Metro

Duterte inatasan ang PRRC sa dredging at civil works sa Ilog Pasig

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio E. Goitia na sa ilalim ng Administrative Order No. 16 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na lumikha sa Manila Bay Task Force ay naging mandato ng PRRC ang dredging, pag-aalis ng mga estruktura at paglilinis sa Ilog Pasig.

“Maraming nagpapanggap ng kanila ang dredging ng Pasig River pero malinaw sa A.O. No. 16 na ang PRRC ang magsasagawa ng civil works sa Ilog Pasig,” diin ni Goitia na mas kilala bilang “Ka Pepeton.

“Siguro nakita ng Pangulo kung gaano kaepektibo ang PRRC kaya binigyan ang komisyon ng mas defined at matibay na mandato at direktiba.” dagdag ni Goitia.

Nakasaad sa AO No. 16 na ang PRRC ang magtitiyak ng enforcement at abatement ng lahat ng legal easement sa magkabilang gilid ng Pasig River at mga daluyang tubig tulad ng mga ilog, sapa at estero.

Ang PRRC din ang inatasan sa Manila Bay Task Force na magsagawa ng relokasyon sa informal settler families (ISFs) o mga iskuwater at iba pang labag sa batas na umookupa ng mga easement sa Pasig River.

Dahil sa malinaw na ang mandato ng PRRC batay sa direktiba ni Pangulong Duterte ay mananagot ang lahat ng mga may ilegal na estruktura sa tabi ng Pasig River at lahat ng tributaryo nito lalo sa mga estero.

vuukle comment

PASIG RIVER REHABILITATION COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with