^

Police Metro

Duterte planong i-subpoena ang ina ni Trillanes

Rudy Andal, Malou Escudero - Pang-masa
Duterte planong i-subpoena ang ina ni Trillanes
Ayon kay Pangulong Duterte, kaya niyang ipa-subpoena ang ina ni Sen. Trillanes na si Mrs. Estelita Trillanes upang pagpaliwanagin sa mga kwestyonableng transaksyon nito noong naglilingkod pa bilang non-uniform personnel sa Philippine Navy.
Composite photo from Philstar.com/Efigenio Toledo IV and file

Sa mga gov’t transactions...

MANILA, Philippines — Planong paimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 84-anyos na ina ni Sen. Antonio Trillanes matapos na mapikon ito sa mga banat ng huli sa kanya at kanyang pa­milya.

Ayon kay Pangulong Duterte, kaya niyang ipa-subpoena ang ina ni Sen. Trillanes na si Mrs. Estelita Trillanes upang pagpaliwanagin sa mga kwestyonableng transaksyon nito noong naglilingkod pa bilang non-uniform personnel sa Philippine Navy.

 Ayon sa Pangulo, napipikon na siya kay Trillanes dahil sa patuloy na pagbanat nito sa kanyang pamilya kaya planong idamay na nito ang 84-anyos na ina nito.

“Sumobra ka.We will initiate an investigation kagaya mo and I will subpoena your mother sa ayaw mo’t sa hindi.Baka sabihin mong walang power, there is. We also have the contempt po­wer but we have to go to court,” wika ni Pangulong Duterte kamakalawa ng gabi sa Manila Hotel.

Nauna nang inihayag noon ni Trillanes na huwag idamay ang kanyang 84-anyos na ina na may sakit pa.

“Just do ito”, naman ang sagot ni Trillanes sa balak ni Pangulong Duterte na ipa-subpoena ang kanyang ina  dahil sa mga diumano’y kuwestyunableng transaksiyon sa Philippine Navy.

Sinabi ni Trillanes, simula noong Setyembre 2018, palaging sinasabi ni Duterte na aatasan niya ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na imbestigahan ang mga transaksiyon ng kanyang 84-taong gulang na ina na mayroon na ngayong Alzheimer’s na hanggang ngayon ay wala namang naipapakitang ebidensiya sa kanyang mga walang basehang akusasyon.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with