^

Police Metro

Shootout sa Maynila: 2 gunrunner, napatay

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang lalaki na umano ay gunrunner sa naganap na shootout kahapon ng madaling araw sa Bonifacio West overpass, Liwasang Bonifacio, Ermita, Maynila.

 

Namatay noon din ang suspek na kinilalang si Martin Malinao habang namatay habang ginagamot sa Ospital ng Maynila si Robert Tan Hernandez.

Bago nangyari ang palitan ng putok dakong alas-3:10 ng madaling araw ay nagkaroon muna ng bentahan ng baril na kung saan ay nagpanggap na buyer ang isang pulis para magkita sa Ayala bridge at bayaran ang apat na biniling baril.

Nang magkita ang  mga suspek na sakay ng motorsiklo ay tinanggap nito ang marked money pero sa halip na ibigay ang armas ay tinutukan ang pulis at pinatakbo.

Hinabol sila ng mga nakaantabay na pulis sa may northbound ng Jones bridge at nang mapadaan ang mga ito sa isang checkpoint sa tapat ng Bonifacio Shrine ay hindi ito huminto.

Pagsapit sa West Bonifacio Bridge buma­ba ang dalawang suspek ng motorsiklo at na­kipag­barilan sa mga humahabol na pulis hanggang sa mapatay.

Nasamsam sa dalawa ang anim na armas, kabilang ang dalawang .38; tatlong .45 kalibre at isang 9mm; isang stainless na kutsilyo, at dalawang sachet ng shabu.

 

vuukle comment

GUNRUNNER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with