SC pinagtibay ang legalidad ng ikatlong Martial Law extension
MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Korte Suprema ang legalidad ng ikatlong pagpapalawig ng Martial Law extension sa Mindanao.
Sa botong 9-4, pabor sa pagbasura ng consolidated petitions laban sa extension ng Martial Law sina Chief Justice Lucas Bersamin, Justices Diosdado Peralta, Mariano del Castillo, Estela Perlas-Bernabe, Andres Reyes Jr., Alexander Gesmundo, Jose Reyes Jr., Ramon Paul Hernando, at Rosmari Carandang.
Habang pabor naman sa petisyong kumukuwestiyon na palawakin ang Martial Law ay sina Justices Antonio Carpio, Marvic Leonen, Francis Jardeleza at Alfredo Benjamin Caguioa.
Noong 2017, nang idineklara ni Pangulong Duterte ang Martial Law sa Mindanao, sa kasagsagan ng sagupaan ng tropa ng pamahalaan at Maute group sa Marawi City, Lanao del Sur.
- Latest