^

Police Metro

PWD pinatay ng pinsan na baliw

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Danilo Balmeo, 57, na may kapansanan sa pagla­lakad matapos na pagtatagain ng kanyang pinsan na baliw na si Fidel Balmeo, 52, kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon nang makita ng saksing si Edwin Rustia ang biktima na duguang nakahandusay sa kalsada na tapat ng kanilang bahay.

Ilang sandali ay nakita niya ang suspek na lumabas ng bahay sa tapat ng biktima na walang damit pang-itaas at duguan ang mga kamay.

Agad na humingi ng saklolo si Rustia sa mga barangay tanod sa lugar at tauhan ng Police Community Precinct 4 na agad na rumesponde at nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Narekober ng mga pulis ang nasa 12 pulgadang patalim na hinihinalang ginamit ng suspek sa pamamaslang.

Nabatid na may problema umano sa pag-iisip ang suspek na sumailalim na sa mental medication noong nakaraang taon.

Habang nasa loob ng presinto ay wala ring makuhang maayos na sagot ang mga imbestigador sa suspek kung bakit niya nagawa ang krimen.

vuukle comment

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with