^

Police Metro

Aktres, 3 pa huli sa P3-M marijuana

Jun Elias - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforment Agency (PDEA) at pulisya ang isang aktres at tatlo niyang kasamahan matapos na mahulihan sa umano’y pagdadala ng marijuana sa Brgy.Urbiztondo, San Juan, La Union noong Martes.

Kinilala ni Senior Su­perintendent Ricardo Layug Jr., La Union police director ang aktres na si Roence Santos, 42, residente ng Los Baños, Laguna; Marty Razon, 32; Gary Herela, 32 at Mark No­rega, pawang mga taga-Dasmariñas City, Cavite.

Nasamsam sa mga suspek ang 9 brick ng marijuana na tumitimbang ng 25 kilos na nagkakaha­laga ng P3 milyon, Toyota Fortuner (ASA-2328) at drug paraphernalias.

Ayon naman kay PDEA La Union Provincial Officer Darnel Ba­cate, sinabi nito na ka­sama ang pulisya ay kanilang na-intercept ang sports utility vehicle na sinakyan ng mga suspek dahil sa impormasyon na may dala umanong droga ang mga ito.

Galing umano ang mga suspek sa Cavite at tinangka umano nilang dalhin ang marijuana bricks sa bayan ng San Juan o sa bahagi ng San Gabriel, La Union.

Si Santos ay lumalabas sa ilang mga serye sa telebisyon tulad ng “Daig kayo ng lola ko”, “Kambal Karibal” at iba pa. 

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with