^

Police Metro

Ama pinatay, sinunog pa ng anak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagtataga ng isang anak ang sariling mga magulang na kung saan ay napatay ang tatay nito habang malubhang nasugatan ang ina naganap kamakalawa sa Brgy. Igmayaan, Don Salvador Benedicto, Negros Occidental.

Namatay noon din ang ama na si Helardo Benarao, 55, na nagtamo ng malalalim na taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan na ang bangkay ay sinu­nog pa ng suspek.

Habang nilalapatan ng lunas sa Corazon Locsin Montelibano Hospital sa Bacolod City ang misis nitong si Simona Cabales Benarao, 58, nagtamo ng mga sugat sa katawan sa pananaga ng anak.

Tumakas ang suspek na si Junjun, 36, matapos ang ginawang krimen at kasalukuyang pinagha­hanap ng mga otoridad.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang krimen dakong alas-8:30 ng umaga sa loob ng tahahan ng pamilya Benarao na matatagpuan sa Sitio Kinabong 3 ng nasabing barangay ay nagpapahinga ang mag-asawa nang bigla na lamang silang dinaluhong ng taga ng suspek na kung saan ay agad namatay ang ama. Hindi pa nakuntento ay hinila pa ng suspek ang bangkay ng ama saka sinilaban may ilang metro ang layo sa kanilang bakuran. Ang ginang ay ma­bilis na itinakbo sa pagamutan.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with