Angkas muling aarangkada
MANILA, Philippines — Bilang isang test case para sa pagbabalangkas ng angkop na regulasyon para sa motorcycle taxis ay inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at ang Department of Transportation ( DOTr) sa panukalang pilot run ng motorcycle ride-hailing service na Angkas.
Inihayag ni DOTr Assistant Secretary Mark de Leon na dalawang beses nang nagpulong ang Technical Working Group (TWG) na binuo ng ahensya upang pag-aralan ang mga naaangkop na regulasyon para sa motorcycle taxis bilang public utility vehicles. Kasalukuyan din silang nagbabalangkas ng implementing rules and regulations (IRR) para sa napipintong pilot run ng Angkas.
Binigyang-diin din ni House Committee on Me-tro Manila Development chairman Rep. Winston Castelo na ang provisional authority para sa pagpapanumbalik ng operasyon ng Angkas ay lubhang kailangan ng libu-libong mananakay na araw-araw na nahihirapan sa kanilang pagko-commute. Mala-king tulong din ito, aniya, upang muling magkaroon ng hanapbuhay ang may 27,000 Angkas-biker partners na nawalan ng kita simula nang magbaba ang Korte Suprema ng TRO noong Disyembre.
Nagpahayag naman ng pasasalamat sa DOTr si Angkas Head of Regulatory and Public Affairs George Royeca sa mga naganap na pagpupulong ng TWG.
- Latest