Heavy equipments sinunog ng mga NPA terrorists
MANILA, Philippines — Posibleng maantala ang paggawa ng Kaliwa Dam sa Infanta, Quezon matapos na sunugin ng mga teroristang New Peoples Army (NPA) ang mga heavy equipment na gagamitin sana sa konstruksyon na matatagpuan sa Sitio Queborosa, Brgy. Magsaysay ng lalawigan.
Sa ulat ng pulisya, tatlong back hoe at isang bulldozer na pag-aari ng Northern Builders Corporation ang sinunog ng may tinatayang 15 miyembro ng Community NPA terrorists (CNTs) na gagamitin sana sa road widening ng konstruksyon ng Kaliwa Dam.
Walang nagawa ang mga obrero at pinagmamasdan na lang ang pagliyab ng nasabing mga kagamitan.
- Latest