^

Police Metro

5 todas sa gun attack

Ed Amoroso - Pang-masa
5 todas sa gun attack
Sa ulat, binaril at napatay ng hindi pa kilalang gunman si Zurbano habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa Barangay Magallanes, Lopez, Quezon.
File

MANILA, Philippines — Limang katao ang nasawi sa magkahiwalay na pamamaril sa lalawigan ng Quezon, Batangas Rizal at Negros Occidental  kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Ferdinand Zurbano; Nomer del Mundo; Ricardo Basco; Teodoro Añez, 44; at Pablito Benaz, 67.

 Sa ulat, binaril at napatay ng hindi pa kilalang gunman si Zurbano habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa Barangay Magallanes, Lopez, Quezon.

Pinasok naman ang bahay nina Del Mundo at Basco na matatagpuan sa Brgy. Luntal,  Tuy, Batangas at walang kaabog-abog na sila ay pinagbabaril na kung saan ay nasugatan din ang isang Severina Basco na dinala sa Apacible Memorial District Hospital.

Sa lalawigan ng Rizal, ay nakikipag-inuman si Añez, sa isang babae sa isang restoran sa Brgy.Inarawan, Antipolo nang pagbabarilin ng tatlong lalaki na bumaba sa kanilang tricycle.Isa sa suspek ay ang asawa ng biktima na si Wineza Añez.

Pinagbabaril din at napatay si Benaz, 67 na isang negosyante sa loob ng isang KTV sa Brgy.Tuyom, Cauayan, Negros Occidental. Inaalam pa ang motibo nang pamamaril sa biktima.

Samantala sa lalawigan ng Bulacan, ay napatay ang suspek na si Joel Baladia nang ito ay makipagbarilan sa mga pulis sa isang drug buy bust operation sa Brgy.Longos, Meycauayan City. Nasamsam kay Baladia ang isang 38 kalibre baril;13 sachets ng shabu; at marked money.

vuukle comment

GUN ATTACK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with