^

Police Metro

Erap nag-sorry sa panununtok

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos na mag-viral sa social media ang pa­nununtok ni Manila Mayor Erap Estrada sa isang tao noong Chinese New Year Parade sa Binondo noong Martes ay agad itong humingi ng paumanhin.

 

Ayon kay Estrada, normal sa isang tao o opisyal ng pamahalaan na makaramdam ng galit sa isang tao na walang pakialam sa kanyang kapwa.

Nabatid na namamahagi si Estrada ng tradisyunal na angpao na ang laman ay P20 at P50 bunsod na rin ng pakiusap ng mga Filipino-Chinese businessman.

Dito ay nilundag ng isang lalaki at hinablot ang kamay ni Estrada at walang pasintabi na halos muntik na nitong pagkasubsob kasabay nang pagtumba ng isang matanda na nasa ibaba.

Inamin ni Estrada na umigkas ang kanyang kamao dahil sa insidente na maituturing na ‘instinct’ sa isang saksi ng pananalbahe. Humihingi ng paumanhin si Estrada sa nangyari at sinabing walang may gusto na mangyari iyon.

vuukle comment

ERAP ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with