^

Police Metro

Senado inaprubahan na ang Murang Kuryente bill

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apruba sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na magiging daan para magamit ang P207 bil­yong Malampaya fund na pambayad sa contract cost at utang sa National Power Corporation (Napocor).

 

Kapag naging ganap na batas, ang panukala ay tatawaging Murang Kur­yente Act na inaasahang magpapababa sa presyo ng kuryente.

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian, maitutu­ring na tagumpay sa panig ng mga power consumers ang pagpasa ng panukala dahil nagbabayad din sila sa utang ng Napocor sa pamamagitan ng universal charge para sa stranded debts at stranded contract cost na isinasama sa monthly electricity bill.

Idinagdag ni Gatchalian na sa sandaling bumaba ng electricity rates, ang isang household na gumagamit ng 200 kilowatt hours per month, ay makakatipid ng P189.48 kada buwan o P2,033.76 sa isang taon.

vuukle comment

NAPOCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with