^

Police Metro

9 patay sa Pasay fire

Lordeth Bonilla - Pang-masa
9 patay sa Pasay fire
Narekober ng mga otoridad ang 9 na sunog na bangkay ng dalawang pamilya matapos na makulong sa nasusunog nilang bahay kahapon ng madaling araw sa Brgy. 185, Maricaban, Pasay City.
Miguel De Guzman

2 pamilya nalitson nang buhay...

MANILA, Philippines — Siyam na katao na pawang miyembro ng da­lawang pamilya ang nasawi makaraang makulong sa nasusunog nilang bahay kahapon ng madaling araw sa Almazor St., Maricaban, Pasay City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Michael Calma, 44, tatlong anak nitong lalaki na sina John Clark Calma, 17; Mark Joseph Calma, 23; at Andrew James Calma, 11. Ang misis ni Michael na si Jasmine Guablas Calma, 42 ay nakaligtas sa sunog.

Nasawi rin sa sunog ang mga miyembro ng pamilya Guablas, na nakatira sa unang palapag ng nasabing bahay na kinilalang sina Julius Guablas, 9, kapatid ni Jasmine; Rheadela Guablas, 40; Jhulea Guablas, 16; Nichol Guablas, 9; at Jurit Andrea Guablas, 3.

Lumalabas sa im­bestigasyon, na ang apoy ay nagsimula sa ibaba ng bahay na malapit sa entrance, na dahilan kaya hindi umano nakalabas ang pamilya Guablas at maaaring nasa kasarapan ang mga ito ng tulog dahil sa nagsimula ang sunog dakong alas-2:10 ng madaling araw.

Habang ang pamilya Calma na nakatira sa ikalawang palapag ay nagising sa sunog at sinabihan ang misis na si Jasmine na tu­malon na sa bintana kaya’t ito ay nakaligtas.

Kaya’t binalikan ni Michael ang tatlong anak para iligtas, subalit hindi na rin nakalabas dahil sa malaki na ang apoy.

Ayon kay Pasay City Arson Investigation and Intelligence Unit chief Glen Celestial na patuloy ang kanilang imbestigasyon kung paano nagsimula at ano ang pinagmulan ng sunog sa loob ng bahay ng pamilya Calma at Guablas.

Ang bahay ng pamil­ya Calma at Guablas ang tanging nasunog sa lugar at idineklarang fire under control dakong alas-3:07 at alas-3:14 ng mada­ling araw nang idineklarang fireout.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with