^

Police Metro

Tigdas sa Pinas umabot na sa Australia

Rudy Andal, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Tigdas sa Pinas umabot na sa Australia
Kaya’t inirekomenda ni Duque na dapat mabakunahan ang mga mamamayan ng anti-measles bago lumabas ng bansa upang may proteksyon dahil hindi alam kung kelan ito aatake.
Philstar.com, File

MANILA, Philippines — Nagmula sa Pilipinas ay umabot na umano sa bansang Australia ang sakit na tigdas matapos na mahawaan ang isang Perth tourist na nagbabakasyon sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque nang magkaroon sila ng koordinasyon sa health officials mula sa Australia para imbestigahan ang kumapit na tigdas sa isang Australyano na nagbakasyon sa Pilipinas at doon inabot ng tigdas sa Australia.

Kaya’t inirekomenda ni Duque na dapat mabakunahan ang mga mamamayan ng anti-measles bago lumabas ng bansa upang may proteksyon dahil hindi alam kung kelan ito aatake.

Ang tigdas ay isang malubhang respiratory disease kung saan apektado ang baga at breathing tubes na nagiging sanhi ng mataas na lagnat at rashes o maliliit at mapupulang pagpapantal sa balat sa buong katawan na mabilis na nakakahawa dahil airborne disease na posibleng ikamatay kung hindi agad maaagapan.

Agad din nag-utos si Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health (DOH) na paigti­ngin ang kampanya sa immunization program matapos magdeklara ng measles outbreak sa Metro Manila, Central Luzon at 7 pang rehiyon sa bansa.

Magugunita noong nakaraang  linggo ay mismong si Pangulong Duterte ang humimok sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para sa kanilang kalusugan at makaiwas sa anumang sakit.

Nakatakdang magbahay-bahay ang DOH para maturukan ng anti-measles vaccine upang maabot ang 2.78 milyon target na mabakunahan ngayong 2019.

Sa kabila na wala naman silang na monitor na bagong flu strain ay inaasahan na umano ang outbreak dahil marami ang hindi protektado ng vaccine.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

FRANCISCO DUQUE

MEASLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with