^

Police Metro

2 tinedyer tepok sa motor

Christian Ryan Sta. Ana - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang dalawang tinedyer na lalaki nang bumangga ang kanilang sinasak­yang motorsiklo sa isang concrete barricade sa harap ng isang fastfood chain sa kahabaan ng Gapan-Peñaranda Road, Barangay San Vicente, Gapan City, kahapon ng madaling-araw.

Ang dalawang biktima ay kinilalang sina Bernabe Kyle Taningco y De Guzman, 18, estud­yante, ng Barangay San Vicente; at Lenard Ivan Llarena,17, estudyante, ng Barangay Malapit, San Isidro.

Sa ulat ng pulisya,bago naganap ang aksidente dakong ala-1:30 ng madaling araw ay sakay ang dalawa ng motorsiklo na walang plaka ang mabilis na binabagtas ang nasabing highway patungo sa silangang direksyon nang aksidenteng bumangga sa kongkretong barikada na agad nilang ikinasawi.

Hinala ng pulisya na nakainom umano ng alak ang dalawa na naging dahilan para mawalan ng kontrol at sumalpok.

vuukle comment

BERNABE KYLE TANINGCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with