^

Police Metro

Narco cop todas sa drug bust

Joy Cantos - Pang-masa
Narco cop todas sa drug bust
Sa ulat, bago nangyari ang shootout bandang alas-2:45 ng hapon ay nagsagawa ng buy bust operation ang mga otoridad laban sa suspek kaugnay ng napaulat na pagtutulak nito ng droga sa lugar.
File

MANILA, Philippines — Isang pulis na AWOL (Absent Without Official Leave) ang napatay matapos manlaban sa buy bust operation ng mga otoridad  kahapon sa Brgy. San Vicente, Biñan City, Laguna.

Kinilala ang nasa­wing AWOL na parak na si PO1 Anthony Bautista, 38, ng Brgy.San Vicente, Biñan City ng lalawigan.

Sa ulat, bago nangyari ang shootout bandang alas-2:45 ng hapon ay nagsagawa ng buy bust operation ang mga otoridad laban sa suspek kaugnay ng napaulat na pagtutulak nito ng droga sa lugar.

Subalit sa halip na sumuko ay bumunot ng kanyang cal 38 revolver at nagpaputok sa arresting team.

Gumanti ng putok ang anti-drug operatives at napatay ang AWOL na pulis.

Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu, P2,000.00 cash, cal 38 revolver .

Ang suspek ay dating nakatalaga sa Biñan City Police  at inilipat sa Pa­ngil noong 2016 kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa recycling ng illegal na droga.

vuukle comment

AWOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with