^

Police Metro

2 Chinese trader todas sa p 1.9-b drug bust

Cristina Timbang, Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang dalawang negosyanteng Chinese national matapos umanong manlaban sa isang drug buy bust ­operation kahapon sa Brgy. Amaya, Tanza, Cavite.

Ang mga napatay na suspek ay kinilalang sina Vincent Du Lim at Hon Li Wen, kapwa nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Amaya 1 ng nasabing bayan.

Sa ulat ni Cavite Provincial Director William Segun, dakong alas-4:00 ng hapon nang isagawa ang drug buy bust ­operation laban sa dalawang Chinese na umano ay matagal nang sinusu­baybayan ng PDEA-4A dahil sa natanggap na impormas­yon na sangkot sa shabu drug trade.

Habang isinasagawa ang buy bust operation ay bigla na lamang nagkaroon ng putukan na ikinasawi ng dalawang suspek.

Narekober sa dalawang suspek ang nasa 274 kilo ng shabu na nagkakaha­laga ng mahigit sa P1.9 bilyon.

vuukle comment

CHINESE NATIONAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with