^

Police Metro

‘Gwapulis’, amok tigok sa barilan

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang alagad ng batas ang nasawi habang napatay din nito ang suspek matapos magkabarilan nang tangkaing arestuhin ang huli makaraang magwala at manggulo sa isang basketball court naganap kamakalawa ng gabi sa Cavite City.

 

Ang nasawing pulis ay kinilalang si PO1 Joseph Tan, nakatalaga sa Cavite City Police at minsang nakilala matapos manalo sa pageant na “Gwapulis” noong 2016 sa isang programa ng isang kilalang TV station.

Kinilala naman ang suspek na si Musanip Palao, 49, residente ng F. Dela Cruz, Brgy. 37A, Ca­ridad, ng naturang lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa Montano Hall, Brgy. 41 Caridad.

Naglalaro ng basketball ang biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang suspek at nagwala at nanggulo ito.

Bilang pagtugon sa tawag ng tungkulin bilang pulis, tinangka ni PO1 Tan na arestuhin ang suspek ngunit tumakbo ito palabas ng basketball court.

Dito ay hinabol ni PO1 Tan si Palao ngunit pagsapit sa labas ay binaril nito pero bago pa man malagutan ng hininga ay nagawa pa nitong makaganti ng putok sa suspek dahilan upang mapatay din ito.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang kaso.

vuukle comment

AMOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with