^

Police Metro

Parak tiklo sa P20 kotong

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng isang pulis matapos masakote sa ginagawang pangongotong sa mga driver ng truck sa isinagawang entrapment operation sa Brgy. San Vicente, Puluan Port, Dapitan City, Zamboanga del Norte, kamakalawa ng hapon.

 

Ang nasakoteng pulis na ipinagpalit ang dangal sa halagang P20.00 kada truck ay kinilalang si PO3 Juwie Dalogdog, nakatalaga bilang traffic enforcer sa Highway Patrol Group (HPG) Dapitan City Police team.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon nang arestuhin ng mga tauhan ng PNP-CITF si Dalogdog matapos itong ireklamo ng mga driver ng truck na bumibiyahe sa ruta ng Dapitan Port na kinokontongan nito ng tig-P20.00 bawat isa .

Si Dalogdog ay inaresto ng mga operatiba sa aktong tinatanggap ang P200.00 mula sa isang driver na kinokotongan nito habang dumaraan sa lugar patungong Dapitan Port.

Nabatid pa na kapag may kargamento ang mga dumaraang truck ay P20.00 ang sinisingil ng nasabing parak.

Hindi na nakapalag si Dalogdog makaraang arestuhin ng mga operatiba kung saan ay nasamsam mula rito ang P 470.00 na pinaniniwalaang bahagi ng nakotong nito sa mga driver at cal 45 pistol na may siyam na bala.

vuukle comment

KOTONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with