^

Police Metro

Kotong cops nagsampa ng kaso vs umarestong mga kabaro

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mistulang isang kasaysayan ang nangyari sa hanay ng Philippine National Police (PNP) nang magsampa ng reklamo ang mga itinuturing na “bad cops” sa Ombudsman laban sa mga “good cops” sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr, na ang pagsasampa ng kaso ay  bilang sagot sa reklamo ng 16 na pulis na nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Galas Police Station (PS 11) laban sa kanilang kapwa pulis sa Quezon City.

Sinabi ni Esquivel, welcome sa kanila ang inihain na counter charge sa office of the Ombudsman ng grupo ni Police Chief Inspector Erwin Guevarra

Anya, bahagi ng internal cleansing program ng PNP ang ginawang entrapment operation laban sa grupo ni Guevarra matapos silang ireklamo ng extortion.

Bukod kay PCI Guevarra ay inireklamo rin sina PO2 Noel Sanchez; PO1 Edward Ramos; PO1 Michael Eric Ramirez; PO1 Ray John Rodriguez; PO1 Gaudencio Escoton Jr.; PO1 Sepzon Suclad; PO1 John Ryan Rodriguez; PO1 Dennis Eria; PO1 Leny Atma; PO2 Peter James Sosa; PO2 Dhonnie Peralta; PO2 Gerald John Bote; PO2 Ryan Villanueva; PO1 Mark Albert Tabernero; PO1 Jerry Cielo; at PO1 Lester Jay Oliveros.

Ang mga nabanggit na pulis ay inireklamo makaraang kikilan umano nila ng halagang P300,000 ang pamilya ng isang dinakip nilang drug suspek na si Lorenzo Miguel Soriano, noong May 3, 2018 sa Quezon City.

Nagsagawa ng entrapment operation laban sa mga nabanggit na pulis na agad kumagat kaya’t  dinakip noong maihatid sa kanilang opisina ang nasabing pera.

Nitong nakalipas na araw ay nagsampa naman ng reklamo ang grupo ni Guevarra laban sa mga tauhan ng District Intelligence Division (DID), District Special Operations Unit (DSOU) at Special Reaction Unit (SRU).

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with