^

Police Metro

Assassination plot pumalpak... hired killer todas sa target

Raymund Catindig - Pang-masa
Assassination plot pumalpak... hired killer todas sa target
Ang biktima na nakaligtas sa tiyak na kamatayan at nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang balikat ay kinilalang si Cesar Cambri, 41, residente ng na­banggit na lugar.
File

MANILA, Philippines — Hindi naisakatupa­ran ng isang hired killer ang pagpa­tay sa kanyang target vic­tim matapos na manlaban at pagtatagain siya na naganap kamakalawa sa Brgy. Bauan West, Solana, Cagayan.

Ang biktima na nakaligtas sa tiyak na kamatayan at nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang balikat ay kinilalang si Cesar Cambri, 41, residente ng na­banggit na lugar.

Napatay naman ang suspek na nakilala sa pa­mamagitan ng ID na nakuha sa katawan nito na si Edwin Costales, ng Brgy.Annafan, Amulong.

Batay sa ulat, dakong alas-5:45 ng umaga ay nakatambay ang biktima sa isang waiting shed nang dumating ang suspek na sakay ng motorsiklo at walang kaabog-abog na binaril ang biktima na tinamaan sa kaliwang balikat.

Nagawang makatakbo ng biktima sa kanyang bahay, subalit sinundan siya ng suspek at pagdating sa bahay ay binaril ang kapatid nitong si Reymund, 33 at ginulpi ang misis niyang si Lorna.

Kumuha ng itak ang biktima at pinagtataga hang­gang sa mapatay ang suspek na si Costales.

Ang magkapatid na Cambri ay dinala sa ospital habang narekober ng mga pulis ang ID ng suspek, isang kalibre 45 baril, at P4,940 cash. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na alitan sa lupa ang nakikitang motibo sa tangkang pagpatay sa biktima ng suspek na pinaniniwalaang hired killer.

vuukle comment

HIRED KILLER

KILLED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with