^

Police Metro

P112-M droga nasamsam ng PDEA

Mer Layson - Pang-masa
P112-M droga nasamsam ng PDEA
Iprinisinta kahapon sa media ni PDEA Director General Aaron Aquino ang mga kontrabando na illegal drugs na kanilang nakumpiska sa iba’t ibang drug operation katulong ang BOC mula Disyembre hanggang Enero 14 kabilang ang mga shabu at ecstasy na nakalagay sa lata ng tomato sauce.
Michael Varcas

Inilagay sa lata ng tomato sauce at maleta...

MANILA, Philippines — Umaabot sa P112.39 milyon na halaga ng shabu at ecstasy na nakalagay sa mga lata ng tomato sauce at mga “kush” na nakasilid sa isang itim na maleta ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa apat na magkakahiwalay na shipment sa Clark International Airport sa Angeles City, Pampanga.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino na kabuuang 19 na kilo ng “shabu” at ilang pirasong ecstasy ang nasabat ng PDEA at ng Bureau of Customs (BOC) noong Disyembre 28, 2018, Enero 13 at 14, habang tatlong kilo naman ng “kush,” ang nakumpiska noong Enero 10 na pawang mula iisang service courier sa Las Vegas City, Nevada, USA.

Nabatid na napuna ng examiner ng BOC na ilang lata ng tomato sauce ang tumatagas at nang suriin ang mga ito ay dito na nadiskubre ang illegal na droga.

“After naming ma-intercept ang illegal drugs sa airport, nag-conduct kami ng controlled delivery para tumuloy-tuloy ang items doon sa consignee,” wika ni PDEA Central Luzon Regional Director Atty. Gil Pabilona.

Nabatid ang nasabing package ay idedeliber sa isang nagngangalang Edna Valenzuela ng Brgy.San Roque, Navotas City.

Matapos tanggapin ang package ay dito na siya inaresto ng mga otoridad at sinabi na hindi niya alam na naglalaman ng shabu ang mga package.

Ayon kay Valenzuela na isang kaibigan ang sinabihan siya na tanggapin ang delivery at pinangakuan na babayarang ng P6,000.

Maging ang anak nito na isang 22-anyos ay inaresto rin ng PDEA dahil sa pagtulong sa kanyang ina.

Pinayuhan ni Aquino ang kanilang counterpart sa Estados Unidos na paigtingin pa ang kanilang pamamaraan para masabat ang mga illegal na droga, bago pa man ito maibiyahe patungo sa Pilipinas.

Anya, ang mga pac­kage ay hindi naman isinasailalim sa mga inspeksiyon ng x-ray machines sa pinagmumulang bansa, bago i-shipped ang mga ito, kaya’t ang mga recei­ving country na lamang ang nakaka-detect at nakakaharang sa mga puslit na illegal na droga.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with