^

Police Metro

400 police escorts inalis sa mga pulitiko

Joy Cantos - Pang-masa
400 police escorts inalis sa mga pulitiko
Ito ay may kaugnayan sa gaganaping midterm elections sa Mayo ng taong ito at alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na dalawa lamang pulis ang maaring maging security detail ng mga kandidato na nanga­ngailangan ng proteksyon.
File

MANILA, Philippines — Inalis ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang 400 police security detail sa mga pulitiko at mga very Important persons (VIPs).

Ito ay may kaugnayan sa gaganaping midterm elections sa Mayo ng taong ito at alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na dalawa lamang pulis ang maaring maging security detail ng mga kandidato na nanga­ngailangan ng proteksyon.

Pero, kailangan ding aprubahan muna ng Commission on Elections ang paghingi ng mga kinauukulan ng security escorts bago sila bigyan ng PNP.

Dagdag pa ni Alba­yalde na kung kailangang mangampanya ang mga kandidato o dumalo sa mga political rallies ay kailangang makipagkoordinasyon ang mga ito sa mga himpilan ng pulisya kung saan gaganapin ang okasyon.

Nilinaw naman ng PNP Chief na hindi dapat magkaroon ng maling interpretasyon ang mga pulitiko na may paborito sa kanilang mga kalabang kandidato ang kapulisan.

Ang koordinasyon sa deployment ng mga pulis tulad ng area security ay upang hindi na maulit pa ang pamamaslang kay Ako Bicol Partylist Rep.Rodel Batocabe na pinagbabaril noong Disyembre 22, 2018 sa Daraga, Albay.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with