^

Police Metro

2 holdaper dedo sa Quezon City shootout

Mer Layson - Pang-masa
2 holdaper dedo sa Quezon City shootout
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:15 ng mada­ling araw ay nakapuwesto ang mga pulis sa Molave Street para sa checkpoint kaugnay ng election period nang mapadaan ang isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek.
Edd Gumban/File

MANILA, Philippines — Dalawang holdaper ang nasawi nang maki­pagbarilan sa mga pulis na humahabol sa kanila matapos na holdapin ang isang babae na call center agent kahapon ng mada­ling araw sa Payatas Road, Quezon City.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na nakuhaan ng dalawang kalibre 38 baril, isang motorsiklo,14 sachet ng umano’y shabu at isang nakaw na bag na pag-aari ng kanilang hinoldap na babae na kinilalang si Maribel Fernandez, isang call center agent.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:15 ng mada­ling araw ay nakapuwesto ang mga pulis sa Molave Street para sa checkpoint kaugnay ng election period nang mapadaan ang isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek.

Hindi huminto ang mga ito at pinaharurot ang kanilang motorsiklo kaya’t hinabol sila ng mga pulis hanggang sa nakorner sa Lupang Pa­ngako sa Payatas .

Subalit, sa halip na sumuko ay naki­pagbarilan umano ang mga ito na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Kinilala ni Fernandez na ang dalawang napatay ay siyang nag-agaw sa kanyang bag.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with