^

Police Metro

Trike vs pick-up: 3 utas

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasawi kabilang ang isang mag-ina matapos ang sinasakyan nilang tricycle ay sumalpok sa isang pick-up kamakalawa ng hapon sa Purok 3, Barangay Kilada, Matalam, North Cotabato.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Edelbert Dumpit Gawat, 40, drayber; ina na nitong si Vero­nica Dumpit,76; kapwa residente ng Brgy.Banawag, Kabacan at Yhaser Kidi Kinala, 15, ng Brgy. Matilac, Pigcawayan Cotabato.

Ang apat na nasu­gatan ay kinilalang sina Charlene Gawat, 36; Hasim Kidi Kinala, 24; Esmael Mohammed, 21; at Haron Kinala,19, kapwa nakatira sa Brgy. Matilac, Pigcawayan.

Sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong ala-1:45 ng hapon ay sakay ng minamaneho ni Gawat ang tricycle sakay ang kanyang ina at binabaybay ang highway patungong Kabacan Cotabato.

Pagdating  sa Purok 3, Barangay Kilada ay bumangga ang tricycle sa isang Toyato Hilux pick-up na minamaneho ni Ridznul Sahipa Tandih na bumangga rin sa kasunod  Kia Bongo.

Sa lakas nang pagkasalpok ay tumilapon ang dalawang sakay nito kabilang ang nasawing si Kinala.

Kasalukuyang nasa kostudiya ng pulisya ang drayber ng Hilux na umaming nakaidlip kaya’t nangyari ang aksidente at handang harapin ang kasong isasampa sa kanya.

vuukle comment

EDELBERT DUMPIT GAWAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with