^

Police Metro

Tunnel gumuho: Treasure hunter dedo, 2 pa nawawala

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang treasure hunter habang dalawa pa nitong kasamahan ang nawawala makaraang matabunan ng lupa nang gumuho ang tunnel sa Purok 4, Brgy. Boloc-Boloc, Sibulan, Negros Oriental, ayon sa ulat kahapon.

 

Ang nasawing treasure hunter ay kinilalang si Algie Javier, 29, matapos marekober ang bangkay kamakalawa ng hapon ng search and rescue team. Si Javier, dating overseas Filipino worker, may-ari ng ‘gold detector’ na ginamit ng tatlo sa paghahanap ng umano’y mina ng ginto sa lugar. Patuloy namang pinaghahanap ang dalawa pa nitong kasamahan na sina Feliciano Encilay Sr., 62, at Bobby Baldado.Samantalang masuwerte namang nakaligtas at siyang nag-report ng insidente sa mga otoridad ang ika-apat na kasamahan ng mga ito na si Mauro Alforque, 44, na umaktong ‘lightsman’ ng grupo sa paghahanap ng ginto at diyamante sa lugar.

Sa salaysay ni Alforque ang tatlo ay nasa distansyang walong talampakan mula sa kanyang kinatatayuan nang gumuho ang tunnel at matabunan ang mga ito ng lupa. Nabatid na kalaha­ting katawan ni Alforque ay natabunan din pero nagawa nitong makaalis sa lugar.

vuukle comment

LANDSLIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with