^

Police Metro

Magkapatid tigok sa van

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang magkapatid na manggagawa ng mga kasangkapan matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na van sa National Rd. sa Brgy. Kaalyat, sa bayan ng Lucban, sa Quezon, kamakalawa ng tanghali.

 

Sanhi ng mga tinamong pinsala sa ulo at katawan, hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang magkapatid na sina Dionides Ratio Rey, 39, at Mark Jones Ratio Rey, 24, pawang mga binata at residente ng Gamboa St. Barangay 1.

Lumalabas sa imbestigasyon na dakong alas-11:30 ng tanghali ay sakay ng motorsiklo ang mag-utol at patungo sa direksyon ng Luisiana, Laguna.

Pagsapit sa kurbadang bahagi ng highway ay sumalpok sila sa kasalubong na Mitsubishi van (BI Z956) na patu­ngong Poblacion ng Lucban, Quezon at minamaneho ni Jovie Rubio, 40 ng Parañaque City.

Tumilapon ang mga biktima saka nasagasaan pa ng van.

Gayunman ay mabilis silang isinugod sa Lucban MMG Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

Hawak na ng mga otoridad ang driver ng van at nahaharap na sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Double Homicide and Damage to Property.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with