^

Police Metro

3 mag-utol dinedbol ng most wanted

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlo sa apat na magkakapatid habang sugatan ang isa nang walang habas silang ratratin ng kanilang kapitbahay na most wanted sa batas nang pasukin sa loob ng kanilang tahanan habang naghahapunan sa Malapatan, Sarangani kamakalawa ng gabi.

 

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang magkakapatid na sinaJason Ingkong, 25, mga kuya nitong sina Angelo, 36 at Rolando, 33-anyos pawang residente ng Brgy. Lun Masla sa bayang ito.  Ang mga ito ay pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Samantalang patuloy namang nilalapatan ng lunas ang 7-anyos na si Marvin Ingkong na tinamaan ng bala sa binti.

Batay sa ulat ng Sarangani Police, bandang alas -6:00 ng gabi habang naghahapunan ang magkakapatid nang pasukin ng kanilang kapitbahay na si Jonathan Pablo ang tahanan ng pamilya ­Ingkong at walang sabi-sabing bigla na lamang pinaulanan ng bala ng suspek ang nasorpresang mga biktima na duguang bumulagta sa insidente.

Ang suspek ay mabilis na tumakas na sinamantala ang kadiliman ng gabi patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Narekober naman ng mga nagrespondeng pulis ang mga basyo ng bala ng cal. 30 carbine rifle habang tinitignan ang anggulo na kaya pinatay ng suspek ang magkakapatid ay dahil sa akala nito na isusumbong siya sa mga otoridad.

Nabatid na ang suspek ay most wanted sa batas kaugnay ng kasong pamamaril sa Glan, Sarangani noong nakaraang taon.

vuukle comment

SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with