^

Police Metro

Drug raid: Ex-mayor, utol napatay

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang dating alkalde sa bayan ng lalawigan ng Maguindanao at kapatid nito ang napatay nang mauwi sa shootout ang anti-illegal drug raid operation kahapon ng madaling araw sa magkahiwalay na lugar sa Cotabato City.

 

Ang napatay na magkapatid ay kinilalang sina da­ting Maguindanao, Parang Mayor Talib Abo Sr., 62; at kapatid nitong si Disumimba Abo alyas Bobby, 51, kapwa nasa drug list ng Philippine Drug Enforcement Agency  (PDEA) at ng pulisya sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sa ulat ni PDEA ARMM Director Juvenal Azurin, bandang alas-12:40 ng madaling araw nang magsagawa ng anti-drug operations ang mga operatiba sa magkapatid na big time drug dealers.

Sa bisa ng 12 search warrants  na inisyu ni Executive Judge Alexander Betoya ng  Regional Trial Court (RTC) 12 ng Kabacan, Cotabato sinalakay  ang bahay ng ex-mayor Talib sa  kahabaan ng Oblate Drive, Brgy. Rosary Heights 7 sa Cotabato City.

Subalit, papasok pa lamang ang raiding team ay agad na silang pinaputukan ni Talib kaya’t gumanti ng putok ang mga otoridad at tinamaan ito na bagaman naisugod pa sa  Regional Medical Center ay idineklara na itong dead on arrival.

Sunod na sinalakay ang bahay ni Bobby sa  Jose Lim Street, Mother Bagua ng lungsod pero nanlaban din ito sa mga operatiba at napatay.

Noong 2006 sa ulat ng MindaNews ay  inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong siya pa ay Davao City mayor na si Mayor Abo ay nagbibiyahe ng shabu mula sa Cotabato City patungo Davao City sa pamamagitan nang pagdaan sa Kabacan,North Cotabao at Digos City.

vuukle comment

DRUG RAID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with