Pagtaas ng multa sa mga violator na motorista sa Lunes na
MANILA, Philippines — Epektibo na sa Enero 7 ang mataas na multa sa mga motorista na lalabag sa illegal parking, traffic obstruction at iba pang paglabag sa batas trapiko.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) EDSA Traffic Czar Bong Nebrija, nasa P1,000.00 hanggang P2,000.00 ang multa sa mga motoristang lumalabag sa mga batas trapiko tulad ng illegal parking.
Ang P1,000.00 multa ay para sa attended illegal parking, na dati ay nasa P200.00, samantalang sa unattended illegal parking ay magiging P2,000.00, na mula sa dating P500.
P1,000 din ang multa sa mga lumabag sa traffic obstruction at ignoring traffic signs na dating P150.000.
Ang lumabag naman sa yellow lane sa EDSA, ay P1,000.00 rin ang multa na dating P500 para sa pribadong behikulo at P300.00 para naman sa pampublikong behikulo.
Ang pagtataas ng multa sa bawat traffic violation ay bunsod ng resolution na inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC), ang policy making body ng MMDA noong Disyembre 7 at nai-published ito noong Disyembre 12 noong nakalipas na taon.
- Latest