^

Police Metro

2 miyembro ng ‘Basag Kotse Gang’, dedo sa shootout

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki na umano ay miyembro ng “Basag Kotse Gang” ang nasawi nang manlaban umano sa mga aarestong pulis kahapon ng madaling araw sa Barangay Greater Lagro, Quezon City.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na suspek na kapwa nasa hustong gulang at armado ng kalibre 38 baril.

Bago nangyari ang shootout dakong alas-12:30 ng madaling araw sa Lilac kanto ng Gabriel Sts., Barangay Greater Fairview ay nakatanggap ng reklamo ang QCPD Station 5 mula sa biktimang si Joe Ismael Pajanustan, 31, ng Fairlane Street, Barangay Greater Fairview na binasag ang salamin ng kanyang nakaparadang Nissan Sentra Sedan  at kinuha ang kanyang tablet at laptop na nagkakahalaga ng P45,000 at iba pang kagamitan.

Nagkasa ng follow-up operation ang mga otoridad at naispatan ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at naghahanap ng panibagong babasagin nilang sasakyan.

Pinahihinto ito ng mga pulis, subalit pinaharurot ang kanilang motorsiklo at pinutukan ang mga pulis.

Hinabol ng mga pulis hanggang sa makorner ang mga ito at sa halip na sumuko ay nanlaban na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Nabawi sa dalawang suspek ang laptop, tablet ng biktima maging ang dalawang kalibre 38 baril na ginamit ng mga ito.

vuukle comment

BASAG KOTSE GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with