^

Police Metro

Toneladang basura ng South Korea ibabalik na

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Toneladang basura ng South Korea ibabalik na
Ayon sa Bureau of Customs (BoC) ang smuggled na 51 container na basura na nakapasok sa bansa ay ibabalik patungong Pyeongtaek City kasabay nang paghahanda ng regulatory requirements.
Pixabay

MANILA, Philippines — Sa Enero 9 ay nagkasundo ang Pilipinas at pamahalaan ng South Korea na ibalik na ang tone-toneladang basura na naipasok sa bansa.

Ayon sa Bureau of Customs (BoC) ang  smuggled na 51 container na basura na nakapasok sa bansa ay ibabalik patungong Pyeongtaek City kasabay nang paghahanda  ng regulatory requirements.

Ayon kay Mindanao International Container Terminal (MICT) Port Collector John Simon, inaasahan nila na ang 51 containers na puno ng mga basura na nakatambak sa naturang pantalan ay matiyak na wala nang magiging sagabal upang tuluyan ng maibalik sa naturang bansa.

Noong Nobyembre nang nakaraang taon, naharang ng customs ang 1,200 toneladang basura na nakalagay sa loob ng 51 container van na dumating noong Oktubre 21 sa MICT mula sa South Korea.

Ang “misdeclared” na kargamento ay naka-consigned sa Verde Soco Philippines, na siya rin ang consignee sa mga basura mula sa South Korea na dumating sa pamamagitan ng barko sa Tagoloan, Misamis Oriental noong Hulyo 21.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon kung sino ang nasa likod ng smuggle na basura at nakapasok sa bansa.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with