^

Police Metro

Firecracker injuries, bumaba-DOH

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Firecracker injuries, bumaba-DOH
Isa lang ang lalaking ito na kabilang sa 139 kaso nang naputukan ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon na dinala sa Jose Reyes Medical Center.
Walter Bollozos

Dahil sa mga pag-ulan at kautusan ni Duterte...

MANILA, Philippines — Ang walang tigil na buhos ng ulan noong bisperas ng Bagong Taon at ang ikalawang taon na kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagbabawal ng pagpapaputok sa anumang lugar ay naging daan muli sa pagbaba ng mga nasugatan sa pagsalubong ng bansa sa 2019.

Sa ulat kahapon ni Department of Health Secretary Francisco Duque, mula Dec. 21, 2018 hanggang sa ika-6:00 ng umaga ng Enero 1,2019 ay nakapagtala ang DOH ng 139 kaso na bumaba ng 68 percent mula sa 428 ng nasabing panahon noong nakalipas na taon at walang naiulat na nasawi.

Ang Duterte’s Executive Order, na inisyu noong kaagahan ng  2017 ay naglilimita sa paggamit ng  mga paputok sa mga  designated area lang na kung saan ay nais nitong matulad ang pagbabawal ng mga paputok na inimplementa nito noong siya ay Davao City mayor pa.

Bukod dito ay nakatulong din ang mga pag-ulan sa Luzon kaya’t kakaunti na lang ang bumili ng mga paputok.

“Effective sa mga pa­saway yung takutan stra­tegy or approach. So binalik na naman natin yung mga nasunugan, nasabugan ng kamay,” wika ni Duque.

Karamihan sa mga nasugatan ay kalalakihan na nasa edad 11 at sa 139 kaso ang  102 dito ay hindi na kailangang putulan habang 36 ang  natamaan sa mata dulot ng “boga,” na ipinalit sa piccolo na nangungunang dahilan ng firecracker-related injury.

“Masaya na kami sa pagbaba ng kaso ng 68 percent pero inaasahan pa rin namin na tumaas dahil sa mga late reports mula sa iba’t ibang rehiyon”.wika ni Duque.

“I think the total ban is the way to go. If Davao City has exemplified total ban and therefore zero casualty why can’t the Philippines do it under the presidency of ­Rodrigo Duterte… Palagay ko papunta na tayo diyan”,pagwawakas ni Duque.

vuukle comment

FRANCISCO DUQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with