^

Police Metro

DepEd: Posible ang ‘expulsion’ sa bully student

Mer Layson - Pang-masa
DepEd: Posible ang �expulsion� sa bully student
Ito ang inihayag ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na maaaring rebyuhin ng DepEd ang desis­yon ng AdMU.
Facebook/Leonor Briones

MANILA, Philippines — Kung sakali umanong hindi nasiyahan ang pamil­ya ng biktima sa parusang ‘dismissal’ ng Ateneo de Manila University sa bullying student na isang Junior High School ay posibleng mauwi ito sa parusang “expulsion”.

Ito ang inihayag ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na maaaring rebyuhin ng DepEd ang desis­yon ng AdMU.

“Kung mangyare man na i-akyat sa Department of Education, ire-review ‘yan kasi ang pinag-uusapan dito ay kung expulsion ba o dismissal,” ani Briones

Una nang sinabi ng pamunuan ng AdMU na matapos ang masusing pag-iimbestiga sa kaso ay nagdesisyon silang patawan ng dismissal sa kanilang unibersidad ang naturang ‘bully student’, na nangangahulugang hindi na ito maaaring makabalik pa sa AdMU.

Ipinaliwanag naman ni Briones na iba ang dismissal sa expulsion, dahil alinsunod aniya sa DepEd Manual, ang expulsion ay nangangahulugang hindi na papayagan pa ang nagkasalang estudyante na matanggap sa alinmang public o private school sa Pilipinas, habang ang dismissal naman ay nanga­ngahulugang hindi lamang siya maaaring mag-enroll sa pinanggalingan niyang paaralan.

Aminado naman si Briones na karamihan sa mga bullying incident ay naaayos na sa pamamagitan ng isang dayalogo sa pagitan ng mga magulang ng mga batang sangkot at ng pamunuan ng unibersidad.

vuukle comment

BULLY

LEONOR BRIONES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with