^

Police Metro

Pulis na magsisimbang gabi niratrat

Gemma Garcia - Pang-masa
Pulis na magsisimbang gabi niratrat
Sa ulat, pasado alas-4:00 ng madaling araw ay papasok na sana sa kaniyang sasakyan si PO2 Romeo Jumalon, 42, nakatalaga sa Regional Service Group ng Police Regional Office sa Central Visayas, residente ng Sitio Central, Barangay Pit-os ng natu­rang siyudad nang barilin siya ng mga lala­king sakay ng isang kotse.
File

MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis na patungo sana sa Misa De Gallo makaraang tambangan ng mga hindi nakilalang gunman kahapon ng madaling araw sa Cebu City.

Sa ulat, pasado alas-4:00 ng madaling araw ay papasok na sana sa kaniyang sasakyan si PO2 Romeo Jumalon, 42, nakatalaga sa Regional Service Group ng Police Regional Office sa Central Visayas, residente ng Sitio Central, Barangay Pit-os ng natu­rang siyudad nang barilin siya ng mga lala­king sakay ng isang kotse.

Hindi naman natamaan ng bala ang asawa ni Ju­malon na nasa loob ng sasakyan.Bago napunta sa Regional Service Group ay nakatalaga muna si Ju­malon sa Regional Personnel Holding Administrative Office at sa Regional Police Anti-Illegal Drugs Office at on leave ng mangyari ang insidente.

Inaalam pa ng pulis­ya kung may kinalaman ang krimen sa trabaho ng biktima.

vuukle comment

MISA DE GALLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with