^

Police Metro

Agawan sa bahay... mag-utol na ‘senior’ binaril, Sinunog ni kuya

Mer Layson - Pang-masa
Agawan sa bahay... mag-utol na �senior� binaril, Sinunog ni kuya
Kinilala ang mga nasawing sina Felicito Soriano, 72, isang negos­yante, at Enrico Soriano, 60, isa namang abogado.
File

MANILA, Philippines — Dahil lamang sa agawan sa bahay, karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng dalawang nakababatang magkapatid sa kamay mismo ng kanilang 77-anyos na kuya nang matapos pagbabarilin hanggang sa mapatay ay saka sinunog pa ang mga ito naganap sa Brgy. Concepcion Uno, Marikina City kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ang mga nasawing sina Felicito Soriano, 72, isang negos­yante, at Enrico Soriano, 60, isa namang abogado.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspek na si Nilo Soriano, 77, isang retiradong maintenance engineer.

Sa ulat ng Marikina City PNP, dakong alas-10:35 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng bahay ng magkakapatid na Soriano na nasa Peru St., Greenheights Subdivision, sa nasabing barangay.

Bago ito, sa salaysay ng kasambahay na si Wilfreda Regonas, 47 ay nag-away-away ang magkakapatid hinggil sa pagmamay-ari ng kanilang bahay, habang nag-aalmusal dakong alas-8:35 ng umaga, na nauwi sa pagbabanta ng suspek na papatayin ang mga biktima.

Hindi naman umano naayos ang sigalot sa pagitan ng tatlo, kaya’t pagsapit ng gabi ay kumuha ng baril ang suspek at pinagbabaril sina Felicito at Enrico at saka binuhusan ng gasolina bago sinilaban.

Agad naman nai-report ni Regonas ang pangyayari sa pulisya na agad namang nirespodehan kasama ang mga bumbero para apulain ang sunog, na naideklarang fireout dakong alas-11:05 ng gabi.

Isinugod din naman ng mga pulis sa pagamutan ang suspek upang malunasan dahil sa tinamong 3rd degree burns sa kanyang katawan, matapos na hindi kaagad makalabas ng nasusunog na tahanan.

Nakuhanan ng mga otoridad ng isang compact handgun na may magazine na walang bala ang suspek.

vuukle comment

CRIME

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with