^

Police Metro

Rider utas, angkas kritikal sa bus

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 35-anyos na rider ang nasawi habang kritikal ang lagay ng angkas matapos na banggain sila ng kasalubong na bus kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy.Mabolo sa Naga City, Camarines Sur.

Idineklarang dead on arrival sa Bicol Medical Center ang rider na si Anthony Bien, residente ng Tapaz Compound, Brgy.Balatas habang ang angkas nitong si Angeliza Morfe, 35 ay patuloy na inoobserbahan sa nasabing ospital.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-11:00 ng gabi ay binabagtas ng mga biktima ang nasabing highway nang mago-overtake umano ang DLTB Bus (UYA-469) na minamaneho ni Ricky Cena, 49, residente ng Brgy. Bagong Bayan, Mauban, Quezon at hindi nito nakita ang kasalubong na motorsiklo ng mga biktima kaya’t ito ay nabangga.

Sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon  nang ilang metro sa kalsada ang mga biktima na sinaklolohan ng mga residente at isinugod sa ospital pero nasawi habang ginagamot si Bien.

Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injuries ang driver ng bus.

vuukle comment

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with