^

Police Metro

NCRPO, todo bantay ngayong bakasyon

Gemma Garcia - Pang-masa
NCRPO, todo bantay ngayong bakasyon
Isa lang ang Kamuning flyover sa mga lugar sa Kamaynilaan at kalapit na lalawigan na matindi na ang daloy ng trapik ng mga sasakyan habang palapit nang palapit ang Pasko.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Libu-libong kasapi ng pulisya ang nakakalat ngayon para panatilihin ang seguridad ng publiko, kasama na ang mga bibiyahe patungong probinsiya, mga magma-mall at maging ang mga maiiwan sa kanilang mga bahay ngayong bakasyon.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar, nasa 7,800 na mga pulis ang naka-deploy ngayon sa mga transportation hub, vital installations, at shopping centers.

“Doon sa deployment natin na 7,800, part of that is the anti-criminality effort. Bulk of this, around 4,000 personnel, sila po ang naka-assign para ipagpatuloy yung araw-araw nating ginagawang anti-criminality effort,” sabi ni Eleazar.

Dagdag niya, itataas nila ang heightened alert status sa full alert kung kinakailangan.

Habang patuloy din umano ang pakikipag ugnayan ng pulisya sa force multipliers tulad ng mga security guard sa mga subdibisyon, mga barangay tanod at iba pang ­volunteers na nangangalaga ng seguridad sa iba’t ibang lugar. Lordeth Bonilla

vuukle comment

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with