^

Police Metro

Bading na wedding coordinator tugis sa P.5 milyon payment

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang bading na wedding coordinator ang pinagha­hanap ng pulisya matapos na makakulimbat nang mahigit P500,000 sa anim nitong biktima na nakatakdang magpakasal sa Pasay City.

 

Ang suspek ay kinilalang si Rennan Magrona, nasa hustong  gulang, may-ari ng RJAMS Events and Sty­ling na matatagpuan sa #1702 F. Munoz, Tramo, Brgy. 46 ng lungsod.

Ang mga nagsampa ng reklamo ay kinilalang sina Mariz Lozada Puno, 26, isang online seller,  natangayan ng P238,000; Margarita Sablad De Leon, 28, Casino VIP assistant,  natangayan ng P70,000; Jhoana Marie Velasco Rama, 33, nurse, ng General Trias, natangayan ng P35,000; Danine Shayne Lababit Yuvienco, 25, nurse ng Dasmariñas City, Cavite na natangayan ng P100,000; Eloisa Prieto Rinon, 42, self employed, ng Bacoor City, natangayan ng P28,500; at  Joseph Marvinico Mosura Nillas, 27, call center agent, ng Angeles, Pampanga, na natangayan ng P97,500.

Ayon sa reklamo ng biktima, nagpakilala sa kanila na  wedding coordinator ang suspect na ang modus ay ibabayad nila ay kumpleto na sa lahat at  ito na ang mamahala sa pagpapakasal.

Tulad ng simbahang pagkakasalan, venue, wedding gown, hair at make-up, bridal car, catering, invitation card at iba pa at  naka-schedule na aniya  sa iba’t ibang buwan sa susunod na taon ang magaganap na kasalan.

Nang makapag-downpayment na ang mga biktima ay hindi na nila ito makontak at hindi na ito nagpakita sa kanila.

vuukle comment

KULONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with