^

Police Metro

2 konsehal sugatan sa ambush

Joy Cantos, Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasugatan ang dalawang municipal councilors makaraang paulanan ng bala sa naganap na ambush kamakalawa ng gabi sa San Narciso, Zambales.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Subic Municipal Councilors Roberto Delgado, 50 at Elizaldy Rocafor, 47; pawang residente ng Brgy. Cawag at Baraca sa Subic ng lalawigan.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa kahabaan ng national highway sa Purok 1, Sitio Samat, Brgy.Siminublan, San Narciso, Zambales ay lulan ng kulay abong Toyota Fortuner ang dalawang konsehal at binabagtas ang lugar nang paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang mga kala­lakihan na sakay naman ng isang kulay pulang behikulo na walang plaka.

Sinabi ng mga nakasaksi na sinusundan ng mga suspek ang sasakyan ng mga biktima at pagsapit sa lugar ay nag-overtake ito at saka pinagbabaril ang mga target.

Kasalukuyan nang nasa mabuting kondisyon sa pagamutan ang dalawang biktima.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with