^

Police Metro

Shootout: 2 drug pusher utas

Joy Cantos - Pang-masa
Shootout: 2 drug pusher utas
Ang mga nasawing suspek ay kinilalang sina Kevin Baguio ng Cebu City at Rodel Nacario, ng Toledo City.
File

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang dalawang pinaghihinalaang big time drug pushers nang manlaban umano ang mga ito sa isang drug buy bust operation kahapon ng madaling araw sa Talisay City, Cebu.

 

Ang mga nasawing suspek ay kinilalang sina Kevin Baguio ng Cebu City at Rodel Nacario, ng Toledo City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago nangyari ang shootout dakong alas-3:35 ng madaling araw sa Brgy. Bulacao ay nagsagawa ng drug buy bust operation ang pulisya laban sa dalawang suspek na umano ay pawang nasa drug watchlist sa kanilang lugar.

Bukod dito ay nabatid pa na si Nacario ay isa ring kinatatakutang hitman  na ang target ay itumba ang mga operatiba ng pulisya.

Habang isinasagawa ang transakyon ay nakatunog ang mga suspek na mga pulis ang kanilang ka-deal kaya agad ang mga itong nagpaputok ng baril na nauwi sa shootout at kanilang kamatayan.

Nakumpiska sa mga suspek ang sampung maliliit na sachet ng shabu, isang medium pack na sachet;18 triangulo na may laman ding droga, isang cal. 38 pistol at isang .357 pistol.

vuukle comment

POLICE SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with